KINASUHAN | Dating Pangulong Noynoy Aquino at Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, sinampahan ng kasong graft

Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong graft sa Office of the Ombudsman sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa pagtatalaga sa punong mahistado sa Supreme Court noong 2012.

Inihain ang reklamo ni Atty. Eligio Mallari, ang sinuspindeng abogado ng SC at Atty. Manuelito Luna ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Ayon kay Luna, ibinase nila ang kanilang reklamo sa pahayag ng dalawang mahistrado na hindi naman dapat kasama si Sereno sa listahan ng mga nominado sa pagkamahistrado dahil hindi siya nakapagsumite ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth” mula 1986 hanggang 2006.


Dawit rin sa reklamo sina Judicial and Bar Council (JBC) Executive Officer Annaliza Capacite at dating Chief of Office Selection and Nomination Richard Pascual na nagkutsabahan umano sa pagtatalaga kay Sereno sa posisyon.

Depensa naman ni Aquino, pinagpilian lang niya kung anong pangalan ang isinumite ng JBC.

Facebook Comments