Manila, Philippines – Isinama si DOH Secretary Francisco Duque sa mga kinasuhan ng grupo ng mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO), sinampahan sa DOJ ng kasong reckless imprudence resulting to homicide si Duque.
Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, kasama rin sa muling kinasuhan si dating Health Secretary Janette Garin at iba pang mga dati at kasalakuyang opisyal ng health department.
Kinasuhan rin ng PAO ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at ang kumpanyang Zuellig Pharma Corporation na distributor ng Dengvaxia.
Hindi naman kasama sa kaso sina dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal ng dating administrasyon dahil may hiwalay na imbestigasyon ang NBI.
Tinawag naman ni Duque na malicious harassment ang pagsasampa ng kaso ng PAO.