KINASUHAN | Limang barangay officials, nasampulan ng DILG

Manila, Philippines – Kinasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng administratibo ang limang Manila barangay officials sa Office of the Ombudsman dahil sa kabiguang itatag ang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs).

Nahaharap sa reklamong misconduct at dereliction of duty sa ilalim ng local government code si Ruby Perez ng Barangay 471, Adorado Palad ng Barangay 477, Mirasol Magalong ng Barangay 482, Ligaya Santos ng Barangay 659-a at Josefa Mendoza ng Barangay 690.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, sampol pa lamang ito dahil mayroon pang nasa higit 600 barangays na walang report mula sa kanilang BADACs.


Ang BADAC ay binubuo ng mga kagawad na namumuno ng barangay committee on women and family, sangguniang kabataan chairperson, public school principal, tanod chief o executive officer, representative ng isang non-government organization at representative mula sa Ugnayan ng Barangay at mga Simbahan (UBAS).

Facebook Comments