Manila, Philippines – Nagsampa ng reklamong sibil ang mag-bayaw na sina dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio laban kay Senator Antonio Trillanes.
Ito ay kaugnay ng pagsasangkot sa kanila ni Trillanes sa mahigit anim na bilyong pisong halaga ng iligal na droga na nakalusot sa Bureau of Customs at nasabat sa isang warehouse sa Valenzuela City noong Mayo.
Ayon kay Trillanes, kasama ang mag-bayaw sa Davao Group na sangkot sa smuggling sa BOC.
Sa pagharap nila sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kontrobersya kapwa iginiit nina Duterte at Carpio ang kanilang right to privacy.
Na-raffle na ang kaso kay Judge Mario Duaves ng Davao City RTC branch 15.
Facebook Comments