Manila, Philippines – “Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang isa sa mga pinakakorap na ahensya ng pamahalaan.”
Ito ang mariing sinabi ni PCSO Board Member Sandra Cam sa interview ng RMN-Manila matapos niyang ibinunyag na gumastos ng halos 10 milyong piso ang PCSO sa kanilang Christmas Party na ginanap sa isang Five-Star Hotel sa Mandaluyong City.
Ayon kay Sandra, anumang oras hindi siya takot na mawalan ng posisyon sa gobyerno.
Kamakalawa, naghain si Cam ng kasong Grave Threat laban kay PCSO General Manager Alexander balutan dahil sa umanoy banta sa kanyang buhay kasunod ng pagbunyag niya sa mga iregularidad sa ahensya.
Sa text message naman na ipinadala ni Balutan sa RMN-Manila, sinabi niyang ayaw nya ng patulan ang mga patutsada ni Cam.
Dagdag pa ng opisyal, hindi niya ito ka-level at ayaw na niyang palakihin ang nasabing isyu.