Manila, Philippines – Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang Spanish national na naaresto kamakailan sa isang checkpoint sa Maluso, Basilan.
Partikular na pinakakasuhan ng DOJ sa Isabela City, Basilan RTC ang bente anyos na Español na si Abdelhakim Labidi Adib.
Ayon sa DOJ, may probable cause ang reklamong isinampa ng 14th special forces company ng Philippine Army laban kay Labidi Adib.
Kasong three counts ng kasong illegal possession of explosives ang isasampa ng DOJ laban sa nasabing dayuhan dahil sa mga nabawi sa kanyang mga pampasabog.
Unang natimbog si Adib noong January 22 sa isang checkpoint sa Maluso, Basilan.
Target sana ng checkpoint ang Pinoy na miyembro ng ASG at nagkataong kasama ng nasabing Spanish national.
Nakatakas naman ang Pinoy target matapos itong tumalon sa gilid ng bangin at agad namang inihagis ng espanyol ang dala nitong bag na naglalaman ng mga pampasabog, mga pera at mga dokumento.
KINASUHAN | Spanish national na kasabwat ng Abu Sayyaf, pinakakasuhan ng DOJ
Facebook Comments