Kinatawan ng Akbayan, nanumpa na bilang bagong miyembro ng Kamara

Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Kamara si Akbayan Citizens Action Party-list Representatives Percival Cendaña kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan gaya ni dating Representative Loreta “Etta” Rosales, na dating kinatawan at chairperson ng Akbayan.

Pinangasiwaan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kanyang panunumpa.

Ang Akbayan ay napabilang sa mga nanalo noong 2022 party-list elections makaraang malaglag ng tuluyan ang An Waray Party-list.


Si Cendaña ay nagsilbing Commissioner ng National Youth Commission mula 2011 hanggang 2016 at naging pangulo din ng Babaylanes Inc. na isanng Non-Government Organization sa University of the Philippines.

Nagsilbi din si Cendaña bilang Student Council Chairperson sa UP Diliman noong 1997 at chief of staff ni dating Akbayan Representative Arlene “Kaka” Bag-ao, na naging gobernador ng Dinagat Islands.

Mauupo si Cendaña sa Kamara hanggang June 30, 2025.

Facebook Comments