MANILA – Nakipagpulong ang kinatawan ng Amerika kay Foreign Affairs Perfecto Yasay kaugnay sa foreign policy na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.Gusto kasing malinawan ni US Assistant Secretary of State For East Asian and Pacific Affairs Daniel Russel sa pahayag ni Pangulong Duterte sa pagkalas ng Pilipinas sa alyansa sa amerika.Ipinarating din ni Russel ang masamang epekto ng mga patutsada ng Pangulo sa mga pumupuna sa kampanya laban sa ilegal na droga partikular ang Amerika, United Nations at European Union.Dito, nilinaw ni Yasay na hindi puputulin ng Pilipinas ang diplomatic ties nito sa Amerika.Sa kabila naman ng mga maaanghang na pananalita ng Pangulo ay natanggap na kahapon ng Philippine Air Force at Department of National Defense ang isang c-130 plane na binili sa Amerika.Ayon sa Philippine Air Force, patunay ito ng magandang relasyon ng Amerika at Pilipinas.Iginiit din ng DND, na bukas pa rin ang Pilipinas sa mga susunod na kasunduan sa Amerika.
Kinatawan Ng Amerika At Pilipinas, Nag-Usap Na Kaugnay Sa Isinusulong Na Foreign Policy Ni P-Duterte
Facebook Comments