Kinatawan ng Bohol sa Kamara, nagpaabot ng pasasalamat sa mga kasamahang tumulong sa kanilang lugar

79

Lubos ang pasasalamat ni Bohol Rep. Alexie Tutor sa mga kasamahang mambabatas na nagpaabot ng tulong kasunod ng pagtama ng Bagyong Odette sa kanilang lalawigan.

Aniya, sa pamamagitan ng donasyon ng mga kasamahan, funds ng lokalidad at sarili niyang pera ay nakapaglaan na ng relief goods para sa mga nasalanta.

Aminado naman ang kinatawan na hindi pa maaabutan ng tulong ang lahat ng apektadong residente.


Sa ngayon, hinihintay rin aniya nila ang biniling plywood upang maibigay sa mga pamilya na ang kabahayan ay totally damaged.

Ilan sa mga pinasalamatan ng kongresista na nagbigay tulong sa kanilang lugar ay sina Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Sepakers Loren Legarda at Paolo Duterte, Samar Rep. Jun Ong, Misamis Oriental Rep. Christian Unabia, Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza at mga senador.

Facebook Comments