KINATAWAN NG PANGASINAN SA LITTLE MISS WORLD PHILIPPINES 2023, KILALANIN!

Talaga nga namang ang Pilipinas ay tunay na hindi magpapahuli pagdating sa tagisan ng beauty and brain sa mga beauty pageants, mapa National or Worldwide stage man.
At kapag sinabing beauty pageant sa ‘Pinas, tiyak meron at merong representative diyan ang Pangasinan! Tila Miss Universe in the making ang mga batang sa murang edad ay nagkakaroon na ng pagkakataong sumabak sa beauty pageant. Isa na diyan ang 10 years old na tinaguriang pride ng bayan ng Calasiao na si Shanyl Jewel Oyam. Si Shanyl ay nakatakdang i represent ang Pangasinan sa gaganaping Little Miss World Philippines sa Baguio City Convention Center sa darating na November 12, 2023.
Sa taglay na beauty, intelligence, determination at charisma, tiyak hindi lamang mga Calasiaoños at Pangasinenses ang hahanga kay Shanyl, kundi ang buong Pilipinas din. Good luck, mula sa iFM Dagupan! |ifmnews

Facebook Comments