Kinatawan ng Sangguniang Bayan ng Paombong, Bulacan, nagsumite ng mga ebidensya sa ICI kaugnay ng ghost projects sa kanilang bayan

Nagsumite ng mga ebidensya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang sekretarya ng Sangguniang Bayan ng Paombong, Bulacan.

Ayon kay Atty. Izay Nunag, nakapaloob sa mga dokumento na kanilang inihain sa ICI ang sampu hanggang 11 ghost projects sa kanilang bayan.

Sakop aniya ito ng taong 2022-2025 at ito ay nagkakahalaga ng ₱700 million.

Tumanggi naman si Atty. Nunag na pangalanan ang contractor na nasa likod ng ghost project.

Mula ICI, nagtungo rin si Atty. Nunag sa DPWH Regional Office sa Central Luzon para magsumite ng mga kaparehong dokumento.

Facebook Comments