Kinatawan ng tatlong partylist na pumalit sa Duterte Youth Party list, nanumpa na

Nanumpa na sa House of Representatives ang kinatawan ng tatlong party list bilang mga bagong miyembro ng 20th Congress.

Pinangunahan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kanilang oath taking.

Ang tatlo ay kinabibilangan nina:
• Robert Estrella, ABONO Partylist
• Alfred delos Santos, Ang Probinsyano Partylist
• Arthur Yap, Murang Kuryente Partylist

Uupo sa Kamara ang tatlong bagong party list representatives alinsunod sa proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) na kasama sila sa mga nagwagi sa nagdaang 2025 Midterm Elections.

Pinalitan nila ang tatlong kinatawan ng Duterte Youth Partylist na ibinasura ng COMELEC ang registration.

Facebook Comments