Cauayan City, Isabela- Nakipagpulong ang mga kinatawan ng United Nations (UN) kay Cagayan Governor Manuel Mamba upang mabatid ang lawak ng pinsala ng naranasang 2020 Cagayan Mega Flood.
Pinangunahan ni UN Resident and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzales ang delagasyon ng UN kasama mismo ang Ambassador ng bansang Germany na si HE Anke Reiffenstuel at anag Ambassador ng The Netherlands na si HE Saskia De Lang.
Kabilang din sa nakipag dayalogo sina Rene Buth Meil, President ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at Veronica Gabaldon, Executive Director ng nasabing organisasyon.
Nagsagawa naman ng pagsusuri si Dir. Harold Cabreros, Regional Director ng Office of the Civil Defense R02 sa kasalukuyang sitwasyon ng rehiyon dulot ng pagbaha sa ilang lalawigan kasama ang Cagayan at Isabela sa naging epekto ng Bagyong Ulysses na severe flashfloods.
Kasama rin ng Gobernador sa pagharap sa mga dignitaryo si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.