Kinatawan ni Mayor Vico Sotto, sumipot sa NBI

Nagtungo sa National Bureau of Investigation o NBI ang kampo ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Martes Santo, para maghain ng reply o tugon sa “letter to explain” ng NBI.

Ito ay may kaugnayan sa imbestigasyon ng NBI sa posibleng paglabag daw ni Sotto sa Bayanihan to Heal as One Act dahil sa pagbiyahe ng mga tricycle sa lungsod.

Hindi dumating si Mayor Vico sa NBI ngunit dumating naman ang kanyang mga kinatawan na si Pasig City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero.


Ayon kay Atty. Manzanero, nais nilang malinawan ang reklamo hindi aniya nila masasagot ng tama ang sulat ng NBI kung hindi nila alam kung ano ang mga alegasyon na tinutukoy nito.

At dahil walang nakuhang reply si Mayor Vico, sinabi ni Manzanero na nagpasya na silang maghain ng pormal na sagot ngayong araw, na siya ring araw na itinakda ng NBI para humarap ang alkalde.

Nanindigan din si Manzanero na fully compliant ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa lahat ng direktiba ng national government sa umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ kontra COVID-19.

Facebook Comments