Kinatawanan ng Russia sa United Nations – pumanaw na

14

RUSSIA – Pumanaw na ang kinatawan ng russia sa united nations na si Ambassador Vitaly Ivanovich Churkin sa New York kahapon.

 

Sa edad na 64-anyos, nakaranas si Churkin ng cardiac arrest habang siya ay nasa Russian mission sa east 65th street at dinala sa hospital sa New York kung saan siya pumanaw.

 

Inilarawan ng Russian foreign ministry si Churkin bilang isang “outstanding Russian diplomat” na pumanaw habang ginagawa ang kaniyang tungkulin.

 

Ipinahatid naman ng ministry ang kanilang pakikiramay sa mga kaanak ng ni Churkin.


Facebook Comments