KINATIGAN | Boundary scheme sa mga buses, tinuldukan na

Manila, Philippines – Kinatigan ng Supreme Court (SC) ang isang memorandum circular na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noon pang 2012 na gawing “part-fixed-part-performance-based” ang sahod ng mga driver at konduktor matapos kuwestiyunin ng ilang bus operator ang legalidad nito.

Sa ilalim ng “part-fixed-part-performance-based” na sistema, hindi bababa sa minimum wage ang sahod ng mga driver kada buwan.

Walong oras lang din dapat sila magtatrabaho at kapag lumagpas doon ay babayaran sila ng overtime pay.


Magkakaroon din sila ng night differential kasama na ang Social Security System (SSS), Pag-IBIG, at PhilHealth.

Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, makatutulong ang bagong paraan ng pagpapasahod para hindi na humataw at makipag-unahan ang mga bus para kumita nang mas malaki at maisawan na din ang aksidente.

Ilan namang kumpanya ng bus ang sumunod at ginawang buwanan na ang sahod ng mga driver at konduktor at karamihan rito ay mga premium, point-to-point at provincial bus.
Sususpindihin o kakanselahin ng LTFRB ang prangkisa ng sino mang hindi susunod sa kautusan, bukod pa sa ipapataw na parusa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa paglabag sa labor code.

Facebook Comments