Manila, Philippines – Kinatigan ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating congressman at dating TESDA Chief Augusto Syjuco na maibasura ang kasong katiwalian laban sa kaniya.
May kaugnayan sa paggamit ng 3.250 million pesos fertilizer noong 2004.
Sa inilabas na pasiya ng ng first division ng anti-graft court, sinang-ayunan nito ang argumento ni Syjuco na nalabag ng office of the Ombudsman ang karapatan nito sa mabilis na disposisyon ng kaso.
Inabot ng mahigit labing isang taon bago naiakyat ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso samantalang naihain ang reklamo ukol dito noon pang 2004.
Ayon sa Korte, walang katanggap tanggap na paliwanag kung bakit kailangang abutin ng halos labing dalawang taon ang determination of probable cause sa ganitong kaso.
Dahil sa pag apruba sa motion to quash ni Syjuco, iniutos na ng korte na alisin ang hold departure order nito.