Manila, Philippines – Pabor sa hanay ng Office of Civil Defense ang pagmamadali ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbuo ng panibagong Departamento na tatawaging Department of Disaster Management O DDM.
Kahapon ay nabanggit ng Pangulo sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA ang paggawa ng bagong departamento para sa disaster management.
Ayon kay OCD Director Undersecretary Ricardo Jalad, sa pagbuo ng hiwalay na departamento na tututok sa epekto ng kalamidad ay mas mapapabilis ang pagresponde sa mga apektadong pamilya.
Dahil magkakaroon ng kapangyarihan ang bagong departamento na ka- level na ng mga Cabinet secretaries at hindi lamang isang Bureau gaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Aniya pa 2015 pa noong magsimula ang pagrereview sa pagbuo ng DDM kung saan hindi na magiging sakop ng Department of National Defense ang Disaster Management.
Ibigsabihin mas mabilis ang pag apruba at pagbibigay ng tulong sa mga nasasalanta ng kalamidad dahil may awtoridad na ang pinuno ng bubuuing DDM para rito.