Manila, Philippines – Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte sa issue ng pag buwag sa Road Board na siyang nangangalaga sa Road users tax.
Ayon kay Pangulong Duterte, kinakatigan niya ang panig ng Senadona pagbuwag sa Road Board dahil ito aniya ay matagal na niyang kinukwestiyon dahil ugat ito ng katiwalian.
Ayon kay Pangulong Duterte, nagkamali ng interpretasyon si House Majority Leader Rolando Andaya ng sabihin nito na pabor si Pangulong Duterte sa pagpapanatili ng Road board at paglalabas ng pondo nitk na nagkakahalaga ng mahigit 40 billion pesos.
Ayon sa pangulo, kung magpapatuloy ang katiwalian sa bansa ay wala talagang mangyayari sa buhay ng mga Pilipino.
Facebook Comments