KINAUSAP | Sec. Roque, inalok ng bagong posisyon ni PRRD

Manila, Philippines – Inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinausap siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa gobyerno.

Ayon kay Roque, inalok siya ng Pangulo ng isang posisyon pero hindi pa ito existing sa ngayon.

Aniya, pag-iisipan niya ngayong weekend ang kaniyang magiging desisyon hinggil sa alok ng Pangulo.


Pagtitiyak ni Roque, isasapubliko niya ang kaniyang desisyon sa Lunes, dalawang araw bagong ang simula ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) sa Oktubre 11 para sa mga kakandidato sa 2019 elections.

Facebook Comments