Pormal nang kinoronahan si King Charles III bilang hari sa isang seremonya sa London kahapon.
Sinaksihan ng milyon-milyong katao sa buong mundo ang makasaysayang koronasyon na ginanap sa Westminster Abbey.
Inilagay sa ulo ng bagong monarch ang 360-taong gulang na St. Edward’s Crown at pinresentahan ng array ng historical regalia mula sa golden orb, bejewelled sword at isang sceptre na may nakalagay na pinakamalaking colourless cut diamond sa buong mundo.
Ayon kay British Prime Minister Rishi Sunak, walang ibang bansa ang makapantay sa pinakitang display ng London.
Sa kabila ng maraming taga-suporta ng royal family ay may daan-daang republicans ang tinutuligsa si King Charles at nagbandera ng mga banners na nagsasabing “Not My King.”
Si King Charles III ay awtomatikong naupo sa pwesto matapos pumanaw si Queen Elizabeth II noong September 8, 2022.
Samantala, dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang makasaysayang koronasyon.