Kingdom of Saudi Arabia, naghahanap ng mahigit 1-M skilled workers sa ilalim ng special hiring program ayon sa DMW

Nangangailangan ang Kingdom of Saudi Arabia ng 1 milyong Filipino skilled workers sa loob ng 18-24 na months o sa loob ng dalawang taon sa ilalim ng isang special hiring program.

Kung matatandaan na may humigit-kumulang pa na P30 bilyon na mga Pinoy ang hindi pa nababayarang sahod at iba pang benepisyo dahil sa humigit-kumulang 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho matapos ideklarang bankrupt ang ilang Arab construction company noong 2016.

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, nangangailangan ang Kingdom of Saudi Arabia ng mga skilled worker para sa tourism sectors construction, hospitality at iba pang mga trabaho na inaalok ng bansa.


Samantala, patuloy naman ang pagtitiyak ng gobyerno ng Saudi na ang perang pambayad sa mga OFW at iba pang mga mamamayan ay nasa Saudi Ministry of Finance.

Facebook Comments