Kingdom of Saudi Arabia, nahikayat ni DMW Secretary Toots Ople na makiisa sa paglaban ng Pilipinas sa human trafficking

Nagpahayag sa kauna-unahang pagkakataon ang gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia na tumulong para sa pangangailangang malutas ang talamak na mga insidente ng human trafficking.

Ayon kay Usec. Atty. Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW) na mismong ang labor minister ng Saudi ang nagsabi na tututukan din nila ang mga hakbang laban sa human trafficking na karaniwang nangyayari sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang bansa.

Para kaya Cacdac, patunay ito na nakumbinsi ni DMW Secretary Susan Toots Ople ang kaniyang counterpart sa Saudi na ang paglaban sa human trafficking ay isang shared responsibility.


Sa kaniyang pagtungo kamakailan sa Saudi Arabia, nakipagnegosasyon si Ople sa kaniyang counterpart na si Labor Minister Ahmed Alrahji para sa ibayong proteksyon at mga karapatan ng OFWs.

Ayon kay Cacdac, nananatiling number one destination country ng mga OFWs ang Saudi Arabia.

Kaya naman matagal na rin aniyang pinagkakatiwalaan ng Saudi ang Pilipinas o noon pang dekada sitenta pagdating sa usapin ng masisipag na OFWs.

Facebook Comments