Narescue ng mga tauhan ng PNP anti-kidnapping group ang isang Chinese- Australian makaraang dukutin ng 4 na Chinese sa Makati City.
Ayon kay PNP anti-kidnapping group director Chief Supt. Glenn Dumlao, humingi ng tulong ang Australian Police sa pagkawala ng biktimang si Chen Jianting, isang Chinese-Australian.
Aniya, dumating sa Pilipinas ang biktima noong February 17 ngunit nawala kinabukasan, February 18.
Sinabi ni Dumlao na humingi ng P1-M ang mga kidnaper na kabilang sa casino loan shark syndicate para palayain ang biktima.
Nagpadala pa nga raw ng larawan ang mga kidnaper na nakaposas ang biktima sa pamilya ni Chen at tinakot pa na puputulin ang daliri nito kung hindi magbabayad ng ransom.
Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng PNP-AKG matapos na matunton ang safehouse na kinaroronan ng biktima.
Na-rescue si Chen habang naaresto ang 4 na chinese.
Inamin naman ni Chen sa mga pulis na naglalaro siya ng casino pagdating sa Pilipinas.