Manila, Philippines – Binigyang pagkilala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bilang isa sa mga ahensya ng pamahalaan sa larangan ng electronic Freedom of Information Portal (eFOI) at kanilang kontribusyon sa Freedom of Information Program’s Progress and Development.
Iginawad ang parangal sa CAAP ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kahapon.
Ngayong taon, natugunan ng CAAP ang nasa 103 FOI requests mula sa mga scholars, researchers at civilians na gustong makakuha ng impormasyon hinggil sa mandato ng ahensya, kaalaman sa kanilang mga ipinatutupad na proyekto, aviation statistics at iba pang impormasyon hinggil sa aviation sector sa bansa.
Kasunod nito nangako ang CAAP na mas sisikapin pa nilang tugunan ang katanungan ng ating mga kababayan.
Ang Freedom of Information Program ay matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong July 23, 2016.