KINILALA | CJ Sereno at Rappler reporter Pia Ranada, kabilang sa binigyang parangal ng Movement Against Tyranny

Manila, Philippines – Ginunita ng Movement Against Tyranny ang Araw ng Kagitingan sa pamamagitan ng pagbibigay pagkilala sa mga grupo at indibidwal na walang takot umano na kumukondena sa Duterte administration.

Kabilang sa pinarangalan ay si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na nagpakita umano ng tapang at paninindigan na depensahan ang kalayaaan ng hudikatura alang alang sa diwa ng checks and balance sa gobyerno.

Personal na dumalo si Sereno sa programa na isinagawa sa QC Sports club para personal na tanggapin ang pagkilala sa kanya.


Binigyan kilala din ang mga mamahayag na sina Pia Ranada ng Online news na Rappler at Raffy Lerma sa kanilang kontribusyon bilang mamahayag.

Dumating din si dating Vice president Teofisto Guingona at dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Kinilala din ng grupo ang mga dinanas ng mga magulang ng mga biktima ng pagpatay na iniuugnay sa drug war ng pamahalaang Duterte.

Facebook Comments