Pinapa-report sa taumbayan ni Senator Risa Hontiveros ang kinita ng gobyerno sa excise tax o sa pagtaas ng taripa sa imported na petroleum sa simula ng pandemya.
Mungkahi ito ni Hontiveros sa harap ng panawagan na isuspinde muna ang pinapataw na excise tax sa langis sa harap ng sunod-sunod na oil price hike.
Suhestyon din ni Hontiveros na gamitin ang nakolektang excise tax sa langis sa service contracting bilang tulong sa mga pasahero, driver at operator ng public transportation.
Paliwanag ni Hontiveros, makakatulong ang service contracting sa pampublikong transportasyon para hindi na humantong sa pagtaas ng pasahe.
Ayon kay Senator Hontiveros, mayroon pang P3 bilyong budget ang gobyerno para sa service contracting at libreng sakay.
Pinatupad ang service contracting ngayong may pandemya bilang tulong sa mga pasahero at mga driver sa pampublikong transportasyon.
Dapat aniyang dagdagan pa ng Department of Transportation (DOTr)1 at Malacañang ang pondo sa service contracting gamit ang pondong nakatengga lang.