Kinita ng mga government ospital ngayong COVID-19 pandemic, kinuwestiyon ng isang senador

Kinuwestiyon ni Senator Panfilo Lacson ang P448 billion off-budget na kinita ng mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng gobyerno ngayong 2021.

Nagmula ang datos sa Budget of Expenditures and Sources of Financing (BESF) data ng Department of Health (DOH) para sa fiscal year nitong 2016 hanggang 2022.

Ayon kay Lacson, nakakapagtaka na ganitong kalaking pondo ang kinita ng mga ospital gayong nasa gitna ng pandemya ang Pilipinas simula pa noong 2020.


Hindi rin aniya tama na ipasa ang hospitalization fees sa mga mahihirap na kababayan nating nasa mga ospital dahil gobyerno naman ang namamalakad dito.

Nabatid na nakapaloob sa pondong kinita ng mga ospital ay ang; hospital fees, pagbili ng mga gamot, kita sa renta, seminar and training fees, certification fees, kinita mula sa mga hostels at dormitories at iba pa.

Facebook Comments