KINONDENA | DepEd, tutol sa isinusulong na mandatory drug testing sa lahat ng mga estudyante mula grade 4 pataas

Manila, Philippines – Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang mungkahi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mandatory drug testing sa lahat ng mga estudyante mula grade 4 pataas.

Giit ni ACT Philippines Secretary-General Raymond Basilio, insulto ito sa mga guro at paglabag sa kanilang karapatan maging sa mga estudyante.

Ayon naman kay Commission on Human Rights Commissioner Gwen Pimentel-Gana hindi basta-basta dapat magsagawa ng drug testing dahil maituturing child abuse kung pipilitin ang isang bata.


Una nang sinabi ni Commission on Higher Education Officer-In-Charge Prospero De Vera ang pagnanais ng komisyon na maging “drug-free” ang mga unibersidad at kolehiyo.

Pero ipinauubaya na aniya ng CHED sa mga pamunuan ng mga paaralan kung paano ito ipatutupad.

Facebook Comments