Manila, Philippines – Mariing kinondena ng mental health advocates ang i-pederalismo blogger na si Drew Olivar.
Ito ay matapos ihayag ni Olivar sa isa niyang video blog noong Pebrero na magpakamatay na ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP).
Ayon kay Raymond John Naguit, National Chairperson ng Youth for Mental Health – hindi dapat ginagawang biro ang suicide.
Aniya, nagsisikap ang advocacy groups na labanan ang stigma at i-promote ang responsableng paraan ng pag-uulat ng mental health.
Dapat aniya humingi ng sorry si Olivar sa mga sinabi nito.
Base sa datos ng World Health Organization (WHO), aabot sa 800,000 tao ang nagpapakamatay sa isang taon.
Kada 40 segundo ay may nagko-commit ng suicide.
Itinuturing ng WHO itong ‘serious public health problem’.
Sa tala naman ng Department of Health (DOH), nitong Hunyo ay aabot sa 2,550 suicide cases sa bansa.