KINONDENA | Gabriela, inalmahan ang pagtanggal sa comfort women statue

Manila, Philippines – Kinondena ng grupong Gabriela ang pagtanggal ng pamahalaan sa istatwa ng comfort women sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Ayon kay Gabriela Rep. Emmie De Jesus, insulto ito sa daan-daang biktima ng sex slavery ng mga sundalong hapon noong World War II.

Aniya, nagpapaalala rin ito kung paano hindi pinahahalagahan ng Administrasyong Duterte ang dignidad ng mga kababaihan at ng buong Pilipinas kapalit ng pagpapautang dito ng bansang Japan.


Una nang sinabi ni Manila City Hall Administrator Atty. Eric Alcovenda na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagtanggal sa comfort woman statue para sa pagsasaayos ng drainage sa Roxas Boulevard.

Facebook Comments