Manila, Philippines – Sumugod sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City ang grupo ng mga gurong magsisilbing Board of Election Tellers (BET) sa darating na Barangay at SK Elections.
Ayon kay Act Deputy Secretary General Mabelle Caboboy – inaalmahan nila ang limang porsiyentong ipinapataw na withholding tax sa kanilang honorarium at travel allowance sa pagsisilbi sa eleksyon.
Aniya, inilalagay na nga nila sa alanganin ang kanilang buhay ay nagagawa pang kaltasan ang maliit na halagang inilalaan sa kanila ng gobyerno.
Dahil dito, posibleng kumonti o wala nang magsilbing election tellers dahil sa patakarang ito ng BIR.
Facebook Comments