KINONDENA | Iran, inalmahan ang ginawang rocket fire ng Israel sa Syria

Iran – Kinondena ng Iran ginawang air raids ng Israel sa Syria.

Ayon kay Iran Foreign Ministry Spokesman Bahram Ghasemi, tutol sila sa paulit-ulit na pag-atake ng Zionist Regime sa Syrian territory dahil sa “false pretext” o maling rason.

Aniya, paglabag ang mga pag-atake ng Israel sa national sovereignty at territorial integrity ng Syria at taliwas din sa international law.


Una nang inanunsyo ng Israel na tinamaan nila ang isang dosenang Iranian at Syrian bilang ganti sa sunud-sunod na pagpapaulan ng Rockets ng Iran sa Golan Heights.

Facebook Comments