Manila, Philippines – Mariing kinokondena ng grupong bagong alyansang Makabayan ang kanselasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa missionary Visa ni Sr. Pat Fox.
Ayon sa Bayan tila napakalupit at labis na kahiya-hiya ang aksyon ng immigration dahil pilit nilang pinalalabas na masamang tao si Sister Pat.
Paliwanag ng grupo, bilang misyonaryo, nagpupunta si Sr. Pat sa lugar kung saan andun ang mga mahihirap, maging sa mga kilos protesta ng manggagawa, sa mga bukid, sa mga maralitang komunidad at maging sa mga piitan.
Giit pa ng Bayan hindi umano krimen ang makiisa sa mga mahihirap at isulong ang karapatang pantao ng mga mahihirap.
Kanina, ipinag utos na ng BI na lisanin na ng Italyanong madre ang Pilipinas dahil forfeited na ang missionary Visa nito.