Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang sa nangyaring terrorist attack sa Lamitan Basilan.
Nabatid na 1 sundalo at 4 na miyembro ng CAFGU ang namatay sa suicide bombing sa CAFGU Detachment sa Barangay Maganda Lamitan City kung saan blangko pa rin ang mga otoridad sa kung sino ang nasa likod ng pagsabog.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, inatasan na ng Malacañang ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Matatandaang hanggang sa ngayon ay umiiral ang Martial Law sa buong Mindanao upang mapigilan ang pagkalat ng terorismo sa buong rehiyon kung saan mahigpit ang pagbabantay ng militar.
Facebook Comments