KINONDENA | Mga estudyante sa mga unibersidad, mariing tinututulan ang mandatory drug test sa mga eskuwelahan

41

Manila, Philippines – Mariing kinondena at nababahala na rin ang mga mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad sa bansa balak ng pulisya na ipasok sa mga Higher Educational Institution ang Anti-drugs War ng pulisya partikular ang Mandatory Drug Test sa susunod na taon.

Ayon kay Vennel Chenfoo, ang National Coordinator ng Kabataan group Northern Mindanao, nakakabahala ang plano ng PNP, na pinahintulutan pa ng Commission on Higher Education, lalo na at inaasahan ang pagiging madugo katulad nang nagaganap sa kanilang komunidad.

Sa halip aniyang magbigay ng libre at mataas na kuwalidad ng Edukasyon para sa mga kabataan, mistulang bulag si CHED Commissioner Popoy de Vera sa mga awtoridad gaya nang ginawa ng PNP at AFP sa paglalagay ng red tag sa mga aktibista at kanilang mga organisasyon.

Ganito rin ang pananaw ng Legue of Filipino Students na mistulang ginigipit at pinag iinitan ang mga aktibistang estudyante dahil kahit may batas na aniya para sa libreng edukasyon ay patuloy pa rin ang paniningil ng matrikula ng State Universities sa Rehiyon.

Naniniwala naman ang mga Youth Organization na ang dapat pagtuunan ng pansin ng CHED ay ang pagtutok sa implementasyon ng Free Education sa halip na ilegal na droga dahil trabaho ito ng PNP.

Facebook Comments