KINONDENA | Pagambush sa Mayor at Vice Mayor ng isang bayan sa La Union, kinondena ng palasyo

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang pananambang sa Mayor at sa Vice Maryor ng bayan ng Balaoan sa La Union.

Matatandaang napatay sa ambush si Vice Mayor Alfred Concepcion at ang aid nito habang sugatan naman ang Mayor na si Aleli Concepcion at iba pa.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ginagawa na ng Philippine National Police ang lahat ng dapat gawin para matukoy ang mga nasa likod ng pananambang.


Kasabay nito ay nagpaabot din naman ng pakikiramay si Panelo sa mga mahal sa buhay ng nasawing Bise Alkalde.

Sinabi din ni Panelo na sanay mabilis na makarecover si Mayor Concepcion at iba pang mga nabiktima ng pananambang.

Matatandaan na nangyari ang pananambang kaninang umaga habang patungo sa munisipyo ang mga biktima.

Facebook Comments