Manila, Philippines – Kinondena ng Grab Philippines ang kaso ng pagpatay sa isa nilang driver na kinilalang si Ananias Antigua.
August 1 nang matagpuan ng Parañaque police ang biktima na tadtad ng tama ng bala ng baril sa loob ng minamaneho niyang sasakyan.
Ayon kay Grab Philippines Country Head Brian cu – nakikipag-ugnayan na sila sa pulisya para matunton ang suspek.
May ginagawa na rin aniyang hakbang ang Grab para mapalakas ang kanilang safety measures gaya ng pagkakabit ng emergency o SOS button sa kanilang application.
Nagpapatupad na rin ang Transport Network Company ng mas mahigpit na account verification process para sa mga pasahero habang aabot sa 100,000 kaduda-dudang accounts ang kanilang dine-activate.
Mahigit 5,000 Grab drivers din ang sumailalim sa training ng PNP at katuwang na ng Grab ang Red Cross, mmda at high patrol group para sa road safety.