KINONDENA | Pagpaslang sa vice mayor ng Trece Martires, Cavite, kinondena ng Malacañang

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng MalacaƱang ang pagpatay kay Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinapaabot ng Palasyo ang pakikiramay nito sa pamilya at kaibigan ni Lubigan.

Inatasan na aniya ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng patas at malalim na imbestigasyon para malaman ang pangunahing dahilan ng pamamaslang sa bise alkalde.


Nanawagan ang Palasyo ng pagkakaisa para matigil na ang mga insidente ng karahasan laban sa mga lokal na opisyal.

Facebook Comments