KINONDENA | Pagpatay sa isang mamamahayag sa Albay, kinondena ng Malacañang

Manila, Philippines – Kinondena ng Malacañang ang panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Joey Llana ng Daraga, Albay.

Sa statement na inilabas ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, malinaw na isa na naman itong paglabag sa karapatang pantao at freedom of the press.
Tiniyak naman ni Roque na walang sasantuhin ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) para makuha ang hustisya at mapanagot ang nasa likod ng pagpatay kay Llana.
Maging si PCOO Secretary Andanar ay kinumpirmang umikilos ang PTFOMS para alalayan ang pamilya at tutukan ang imbestigasyon ng nasabing kaso.
Nabatid na mahigpit na din ang ugnayan ngayon ng PNP at ng presidential task force para mabilis na makilala ang suspek sa krimen.

Facebook Comments