Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañan ang pagpatay sa isa nanamang pari.
Matatandaan na kahapon ay binaril ang pari na si Father Richmond Nilo sa Zaragoza, Nueva Ecija bago manguna sa misa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi palalampasin ng Malacañang ang kasong ito at gagawin itong isa sa mga prayoridad ng pamahalaan upang mabigyan ng hustisya ang pagkakapatay kay Father Nilo.
Sinabi ni Roque na kakausapin niya si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde upang personal na alamin kung ano ang update sa pagpatay kay Father Nilo.
Nababahala din aniya ang Malacañang sa insidente dahil ang pagpatay sa pari ay nalalabag din ang kalayaan sa pananampalataya.
Matatandaan hindi ito ang unang insidente ng pagpatay sa isang pari dahil matatandaan na binaril din si Father Mark Anthony Ventura ng Tuao Cagayan.