Manila, Philippines – Mariing kinokondena sa Commission on Human Rights ang brutal na pananambang sa limang PDEA agents sa Kapai, Lanao del Sur.
Ayon kay CHR spokesperson, Atty. Jacqueline de Guia, nakababahala na maging ang mga anti-narcotics forces ay hindi na rin ligtas sa umiiral na culture of impunity sa bansa.
Halos lahat ng himaymay ng lipunan mula sa mga mahihirap, kabataan, local na pinunong pambayan at mga miyembro ng PNP ay nasaklot na ng cycle of violence.
Umaasa ang CHR na ipakita ng gobyerno na gumagana ang rule of law at due process sa bansa.
Facebook Comments