KINONTRA | Budget Sec. Benjamin Diokno, iginiit na ‘fastest growing economy’ ang Pilipinas

Manila, Philippines – Kinontra ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi umuusad ang ekonomiya sa mga probinsya.

Ayon kay Diokno, umaangat ang ekonomiya at tumaas ang infrastructure spending ng bansa.

Sa datos ng DBM, umakyat ito sa 58 billion pesos nitong Mayo at mas mataas kumpara sa 46.2 billion pesos noong 2017.


Dagdag pa ng kalihim, gumagalaw ang mga proyekto sa mga rehiyon at on-track ang 75 flagship projects sa ilalim ng build, build, build program ng gobyerno.

Facebook Comments