KINONTRA? | Defense department, walang pambayad sa mga lumad na papatay ng NPA

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of National Defense (DND) na wala silang pambayad sa mga lumad na papatay ng NPA.

Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang mag-alok ang Pangulong Rodrigo Duterte ng 25 libong piso pabuya para sa bawat NPA na mapapatay ng mga Lumad.

Aniya posibleng manggaling ang pondo sa intelligence fund ng Pangulong Duterte


Pero kung sila aniya ang tatanungin wala silang inilaang pondo para rito.

Matatandaang inalok rin ng Pangulo na sasanayin ng militar bilang CAFGU ang mga lumad para maprotektahan nila ang kanilang mga komunidad laban sa NPA, ito ay dahil sa patuloy na pangugulo ng NPA lalo na sa mga katutubo.

Sinabi ni Lorenzana na ang alok ng Pangulo ay bilang pantapat na rin sa banta ni Communist Party of the Philippine Chairman Joma Sison na papatay ang NPA ng isang sundalo bawat araw sa bawat rehiyon ng bansa, o 510 sundalo kada-buwan.

Facebook Comments