Manila, Philippines – Sinopla ng Malacañang ang hamon ni Senador Antonio Trillanes IV na magpa-drug test si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang pamilya.
Ito ay kasunod ng hamon ni Trillanes sa Pangulo na magpa-drug test matapos siyang mag-negatibo sa droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bilang Pangulo ng bansa na isang halal ng bayan walang sinuman ang maaring mag-utos sa Punong Ehekutibo na magpa-drug test.
Aniya, kung gagawin man ito ng Pangulo dapat ay kusang hakbang at hindi dahil sa utos ng iilang tao.
Sabi pa ni Roque, hindi na pinapansin ng Malacañang ang mga banat ni Trillanes sa Pangulo.
Facebook Comments