KINONTRA | Posibleng epekto ng TRAIN 2 sa mga negosyante, ibinabala ni Senator Zubiri

Manila, Philippines – Kontra si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa isinusulong na ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.

Nangangamba si Zubiri na posibleng may mawalan ng trabaho kapag nakapasa at naipatupad ang TRAIN 2.

Paliwanag ni Zubiri, posibleng may mga industriya ang magsara at lumipat sa ibang bansa.


Ayon kay Zubiri, ito ay dahil nakapaloob sa TRAIN 2 ang pagalis sa tax incentives na ipinagkakaloob sa iba’t ibang negosyo.

Sa kabila nito ay tiniyak naman Zubiri na tatalakayin nila sa Senado ang TRAIN 2 sa oras na iakyat na ito sa kanila ng Kamara.

Facebook Comments