Kinse Anyos, Ginahasa ng Sariling Ama!

Penablanca, Cagayan – Nagreklamo ang isang kinse anyos na dalagita dahil sa panggagahasa ng sariling ama sa Barangay Bical, Penablanca, Cagayan na naganap noong Marso disinuwebe taong kasalukuyan sa oras na ala una ng madaling araw.

Nakilala ang ama na si Jose Buendia Barnedo, singkuwentay otso anyos, isang helper, tubong Rapu-Rapu, Legaspi City, Albay at kasalukuyang nakatira sa nasabing lugar.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office 2, ang biktima na si Maria, di tunay na pangalan ay sinamahan ng kanyang ina na si Catarina Coballes Barnedo upang ireklamo ang suspek.


Sa salaysay ni Maria, sinundo umano sya ng kanyang ama sa tinitirhan nya sa Ugac Sur Tuguegarao City upang ibili ng pantalon sa palengke at pagkatapos ay nagtungo sa Bical, Penablanca partikular umano sa bahay ni Jo-Es Bayubay.

Sa naturang lugar at sa oras na alas onse ng gabi ay nakatulog na lamang umano si Maria. Sa oras na ala una ng madaling araw ay nagulat na lamang umano ang dalagita nang biglang hawakan sya ng mahigpit sa leeg ng kanyang ama at ginahasa na labag sa kanyang kalooban.

Nagsumbong si Maria sa kanyang ina at kaagad na sinamahan sa pulisya.Nagresponde nman ang PNP Penablaca na nagresulta ng pagkakaaresto sa suspek nitong Marso bente at nabatid na nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin si Jose nang naganap ang panggagahasa.

Ang kasong panghahalay laban sa ama ay naipaabot na sa Provincial Prosecutor’s Office, Hall of Justice sa Tuguegarao City para sa tamang pagsisiyasat at nasa kostodiya na ng pulisya ang suspek.

Facebook Comments