Kinse Anyos Na Dalagitang Tinamaan Ng Ligaw Na Bala Sa Malabon, Pumanaw Na

14

MALABON CITY – Pumanaw na kagabi ang dalagitang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo sa pagsalubongng bagong taon sa Malabon City.Sa isang text message – sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na binawian ng buhay ang 15-anyos na si Emilyn Calano sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) sa Sta. Cruz, Manila, dakong 6:10 ng gabi matapos ma-cardiac arrest.Ayon sa kalihim, isasailalim sa autopsy ang mga labi ni Calano, kasunod ng paggiit na sinubukan ng mga doktor na i-resuscitate ang pasyente pero, hindi na ito naging matagumpay.Matatandaang nanonood noon si Calano ng fireworks display noong Sabado sa labas ng kanilang bahay sa Malabon nang bigla itong matumba.Isang bala ang tumama sa ulo ng biktima na dahilan ng kaniyang pagkaka-comatose hanggang sa bawian ng buhay.Ayon sa pulisya, kilala na nila ang nasa likod ng pagpapaputok ng baril at kanila na ngayong tinutugis.Nakapagsampa na rin ang mga awtoridad ng reklamong attempted murder at reckless imprudence resulting in serious physical injuries laban sa suspek sa Malabon city prosecutor’s office.Inaasahang papalitan ang naturang reklamo sa homicide o murder kasunod ng pagpanaw ng biktima.

Facebook Comments