Nakumpiska ng mga tauhan ng PNP Headquarters Support Service ang cellphone ni Senator Ramon Bong Revilla Jr na ngayon nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa kanilang isinagawang surprise inspection.
Ayon Kay PNP Spokesperson Sr Supt Benigno Durana kagabi isinagawa ang surprise inspection matapos makarating sa PNP HSS ang nag trending na post ng senador sa Facebook.
Hindi aniya nagustuhan ng senador ang ginawang pagkuha sa kanyang cellphone pero nanindigan ang mga pulis na bawal ang anumang gadgets katulad Cellphone sa loob ng bilangguan kaya wala nang nagawa ang senador.
Iniimbestigahan na rin ngayon ng PNP HSS ang kanilang mga tauhang nagbabantay sa custodial center upang matukoy kung paano nakalusot ang cellphone ng opisyal.
Sa fb post ng senador sinabi nitong apat na taon na syang nanatili sa kulungan at nanawagan ng dasal at katarungan.
Si Senator Revilla Jr ay may kasong plunder kaugnay sa 10 bilyong pisong pork barrel scam