KINUKUMBINSE | Buong gabinete ni PRRD, pinapayuhan ang Pangulo na magpahinga naman – ayon kay Secretary Panelo

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na maging ang mga Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kinukumbinse ang Pangulo na magpahinga naman mula sa kanyang trabaho.

Ito ang pahayag ni Panelo matapos ang maikling pahinga ni Pangulong Duterte kasama ang kanyang partner na si Honeylette Avancena at anak na si Veronica “Kitty” Duterte sa Hong Kong nitong nakaraang weekend.

Pero sinabi ni Panelo na wala sa karakter ni Pangulong Duterte na magpahinga at tila aniya hindi kasama sa bokabularyo ito ng Pangulo.


Marahil aniya ay napagod lang talaga ang Pangulo kaya nagdesisyon ito na magpunta ng Hong Kong kasama ang pamilya kahit sandali lamang.

Sinabi ni Panelo na kung tutuusin ay dapat isang lingo ang ginawang pahinga ni Pangulong Duterte dahil bilang isang empleyado ng Pamahalaan ay mayroon din naman itong karapatan na gumamit ng sick leave, mandatory at vacation leave.

Facebook Comments